Pages

Wednesday, June 20, 2012

Why I Love Karen Mae Reyes

Karen has proven herself over and over again that she is a good person worthy of her fans support.

Nagsosorry siya sa kung anuman ang nagawa niyang mali at mga naging pagkukulang niya tulad ng flagpole task nila. Nagkasakit siya kaya hindi siya nakatulong pero gumawa naman siya ng paraan para makatulong kahit kaunti.She did that awesome Jennifer Hudson "And I Am Telling You" lip sync.
  
Aminado siya sa sarili niya na may mga kailangan siyang baguhin at sinasabi niya naman na pinipilit niyang baguhin ito. And  admit it or not, she has changed a lot since PBB started.  

Alam niya kung saan siya magaling at inaacknowledge niya din kung saan magaling ung iba. Sinabi niya na magaling kumanta si Myrtle at siya ay sa sayaw lang. Thus, need not compare them.

 Inaamin niya din na hindi siya magaling mag English and I quote "Isang basket lang ang dala kong English Kuya", pero tinatry niya naman matuto kahit pa nga madalas na nakakatawa ang kinakalabasan pero at least nakakapaghatid siya ng happiness sa mga kasama niya.

Moody siya pero mas marami naman moments ang masayahin siya at may sense kausap lalo na pag may humihingi sa kanya ng advice.


Isa siyang mabuting kaibigan especially sa kambal at mga katropa niya sa loob ng bahay na handang dumamay kapag kailangan siya.   

Seryoso siya pag may task sila at pinipilit niyang laging magcontribute para sa ikakatagumpay ng task nila.

She is a fighter and  she has this strength na kayang mag-endure physically and emotionally. Remember nung bumisita ang mga mothers sa House, siya lang isang babae dun pero nakaya pa rin niya ung pagpepedal. At nung patagalan sa pagbuhat ng belt, natalo niya si Alec at Tom.

Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob o galit sa kanyang mga kasama at madali siyang magpatawad at pagsabihan. Remember nung time na nag-away ang mga girls tapos nagkaayos din naman? They nominated Karen pero Karen did not nominate them.

If we really look at Karen’s positive side, marami naman tayong makikita at mas nakakalamang naman un sa mga negative sides na meron siya. Kaya sa lahat ng nagmamahal kay Karen, let's just continue supporting her and ignore those haters.


PS:)

Karen is nominated this week and tomorrow is Eviction night already. Nominated this week are Yves Flores, Myrtle Sarrosa, Karen Reyes and Ryan Boyce. Vote wisely folks.

Please don't forget to vote for her and Ryan also. To vote: BB KAREN and send to 2331 for Globe, Sun, TM. 231 for Smart, TNT  or BB RYAN  for those fanatics of Karen and Ryan love team. Maximum of 30 votes per SIM and you can also vote through E-pins. Just log on http://vote.abs-cbn.com/ to for more details


2 comments: