Pages

Monday, August 13, 2012

Tula Para Kay Karen



Sa bawat hagikhik, hatid niya ay saya,
Sa mga taong lugmok sa lungkot at problema,
Sa kanyang mga hirit, ikaw ay tatawa,
Ang kanyang mga payo, laking tulong sa tuwina.



Gandang kanyang taglay ay nakakahalina,
Sa umaga o gabi man, may ayos o wala.
Sadyang mala-anghel ang kanyang mukha
Sinong hindi mabibighani lalo kapag siya’y ngumiti na?




Talentong bigay sa kanya, kay sarap panoorin,
Ito man ay  pagsayaw, pagkanta o pag-akting,
Sabi nga ni Vice Ganda, “siya ay  interesting.”
“Walang hiya-hiya,” kay Sam Milby namang pansin.




Lakas na taglay niya ay nakakamangha,
Natatalo pa minsan mga lalaking kasama,
Determinasyon at dedikasyon, laging makikita
Sa anumang pagsubok na ibinibigay sa kanya.





Isang mabuting kaibigan sa bawat sandali,
Sasamahan ka sa iyong pagluha’t pagngiti.
Kaya naman, huwag ka nang mamangha.
Sa iyong makakaaway kapag siya ay binangga.




Karen, isa kang huwarang kabataan,
Lakas at tapang mo, dapat pamarisan
Ang iyong masayahing katangian,
Sana’y laging makita ng sambayanan.



6 comments:

  1. really,really love it po...ang ganda

    ReplyDelete
  2. really true,kung ang iba ay sinasabing sya ay malandi,no wayyyy,sya ay totoo lamang sa kaniyang sarili,kasi pag ibig walang pinipiling lugar o age,everything she does is beautiful.from the very start,i love her and still supporting here,she makes me smile always,lalo na sa mga pinaggagawa nya sa loob ng bahay ni kuya.just stay as you are KAREN,SWEET,MABAIT,AT MAALALAHANIN AS RYAN DESCRIBED HER.GOD BLESS YOU.

    ReplyDelete
  3. This is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!

    ReplyDelete
  4. https://freyamind2002.blogspot.com/

    ReplyDelete