Sa bawat
hagikhik, hatid niya ay saya,
Sa mga taong
lugmok sa lungkot at problema,
Sa kanyang
mga hirit, ikaw ay tatawa,
Ang kanyang
mga payo, laking tulong sa tuwina.
Gandang
kanyang taglay ay nakakahalina,
Sa umaga o
gabi man, may ayos o wala.
Sadyang
mala-anghel ang kanyang mukha
Sinong hindi
mabibighani lalo kapag siya’y ngumiti na?
Talentong
bigay sa kanya, kay sarap panoorin,
Ito man ay pagsayaw, pagkanta o pag-akting,
Sabi nga ni
Vice Ganda, “siya ay interesting.”
“Walang
hiya-hiya,” kay Sam Milby namang pansin.
Lakas na
taglay niya ay nakakamangha,
Natatalo pa minsan
mga lalaking kasama,
Determinasyon
at dedikasyon, laging makikita
Sa anumang
pagsubok na ibinibigay sa kanya.
Isang
mabuting kaibigan sa bawat sandali,
Sasamahan ka
sa iyong pagluha’t pagngiti.
Kaya naman, huwag
ka nang mamangha.
Sa iyong
makakaaway kapag siya ay binangga.
Karen, isa
kang huwarang kabataan,
Lakas at
tapang mo, dapat pamarisan
Ang iyong
masayahing katangian,
Sana’y laging
makita ng sambayanan.
really,really love it po...ang ganda
ReplyDeleteThank you po:)
Deletereally true,kung ang iba ay sinasabing sya ay malandi,no wayyyy,sya ay totoo lamang sa kaniyang sarili,kasi pag ibig walang pinipiling lugar o age,everything she does is beautiful.from the very start,i love her and still supporting here,she makes me smile always,lalo na sa mga pinaggagawa nya sa loob ng bahay ni kuya.just stay as you are KAREN,SWEET,MABAIT,AT MAALALAHANIN AS RYAN DESCRIBED HER.GOD BLESS YOU.
ReplyDeleteThank you Janessah:)
ReplyDeleteThis is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!
ReplyDeletehttps://freyamind2002.blogspot.com/
ReplyDelete