Sa bawat
hagikhik, hatid niya ay saya,
Sa mga taong
lugmok sa lungkot at problema,
Sa kanyang
mga hirit, ikaw ay tatawa,
Ang kanyang
mga payo, laking tulong sa tuwina.
Gandang
kanyang taglay ay nakakahalina,
Sa umaga o
gabi man, may ayos o wala.
Sadyang
mala-anghel ang kanyang mukha
Sinong hindi
mabibighani lalo kapag siya’y ngumiti na?
Talentong
bigay sa kanya, kay sarap panoorin,
Ito man ay pagsayaw, pagkanta o pag-akting,
Sabi nga ni
Vice Ganda, “siya ay interesting.”
“Walang
hiya-hiya,” kay Sam Milby namang pansin.
Lakas na
taglay niya ay nakakamangha,
Natatalo pa minsan
mga lalaking kasama,
Determinasyon
at dedikasyon, laging makikita
Sa anumang
pagsubok na ibinibigay sa kanya.
Isang
mabuting kaibigan sa bawat sandali,
Sasamahan ka
sa iyong pagluha’t pagngiti.
Kaya naman, huwag
ka nang mamangha.
Sa iyong
makakaaway kapag siya ay binangga.
Karen, isa
kang huwarang kabataan,
Lakas at
tapang mo, dapat pamarisan
Ang iyong
masayahing katangian,
Sana’y laging
makita ng sambayanan.