Monday, August 13, 2012

Tula Para Kay Karen



Sa bawat hagikhik, hatid niya ay saya,
Sa mga taong lugmok sa lungkot at problema,
Sa kanyang mga hirit, ikaw ay tatawa,
Ang kanyang mga payo, laking tulong sa tuwina.



Gandang kanyang taglay ay nakakahalina,
Sa umaga o gabi man, may ayos o wala.
Sadyang mala-anghel ang kanyang mukha
Sinong hindi mabibighani lalo kapag siya’y ngumiti na?




Talentong bigay sa kanya, kay sarap panoorin,
Ito man ay  pagsayaw, pagkanta o pag-akting,
Sabi nga ni Vice Ganda, “siya ay  interesting.”
“Walang hiya-hiya,” kay Sam Milby namang pansin.




Lakas na taglay niya ay nakakamangha,
Natatalo pa minsan mga lalaking kasama,
Determinasyon at dedikasyon, laging makikita
Sa anumang pagsubok na ibinibigay sa kanya.





Isang mabuting kaibigan sa bawat sandali,
Sasamahan ka sa iyong pagluha’t pagngiti.
Kaya naman, huwag ka nang mamangha.
Sa iyong makakaaway kapag siya ay binangga.




Karen, isa kang huwarang kabataan,
Lakas at tapang mo, dapat pamarisan
Ang iyong masayahing katangian,
Sana’y laging makita ng sambayanan.



Thursday, August 9, 2012

Filipinos Amidst Calamities: An Attitude We Can Be Proud Of

We Filipinos are known to:

Turn to God in times of disaster.
 


 See every situation in a lighter perspective.


Have fun rain or shine.



Carry our pets when evacuating.


 
Spoof every situation.