Araw-araw, ito ang aking service papuntang opisina.
At sa dami na nga ng nasakyan kong jeep, nailagay ko sila sa mga
kategoryang ito:
1.Disco Jeep:
Ito ung tipong mababasag na
ang ear drums mo sa tugtog tapos Teach Me How To Dougie in English at
Tagalog pa ang nakasalang. Naman!
2.Pangkarerang Jeep:
Ung talagang mapapakapit ka dahil humahagibis si Mamang Driver at feeling niya
eh formula car ang minamaneho niya at sa bawat paghinto niya lahat kayo
pigil ang hininga. Nagpasalamat kang nakababa ka pa ng buhay. Yeah
Thanks God!
3.Puneraryang Jeep:
Si Manong naman feeling niya funeral car ang dala niya, sobrang bagal at with matching music pa. Hindi naman traffic. Parang gusto mo na lang tuloy maglakad kung hindi lang tanghaling tapat.
4.Bingi ba ang Driver na Jeep?:
Nakailang sabi ka na ng “para” , pasigaw pa, kumatok ka pa sa bubong ng jeep, nakichorus na sa iyo ang ibang pasahero tapos ng maibaba ka ni Manong eh sa SM Manila na to think na sa Lawton ka pa lang pumara. Badtrip! Nagmamadali ka pa naman.
5.Sardinas na Jeep:
Pangwalohan lang naman ang capacity eh siyam ang pilit na pinagkakasya. At malas mo pa talaga, ikaw pa ang pangsiyam! Kalahati na lang ng puwit mo ang kumasya. Ayaw naman umisod ng iba. Pareha-parehas lang naman kayong nagbabayad at wala ka namang discount. Tiis-tiis ka na lang, manalangin na may bumaba agad.
Ikaw, nakasakay ka na ba sa ganyang jeepney? Happy Trip.:)